Patay ang isang lola habang sugatan naman ang siyam na iba pang nang salpukin ng isang truck ang sinasakyan nilang tricycle sa General Santos City, kamakailan.

Hindi na binanggit ng General Santos City Police Office, ang pagkakakilanlan ng nasawi na isang 63 taong gulang.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap sa Barangay Apopong, kamakalawa ng hapon.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Jose Sembrano, ng Traffic Management Unit, sakay ng tricycle ang magkakamag-anak, kabilang na ang nasawi patungong Polomolok, South Cotabato matapos silang manggaling sa kanilang kaanak sa Alabel, Sarangani nang banggain ang mga ito ng isang truck.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad na isinugod sa ospital ang siyam na nasugatan, kabilang ang limang menor de edad na pawang apo ng nasawi.

-Fer Taboy