Tumalima sa utos ng Philippine National Police (PNP) ang mag-amang sina Iloilo Rep. Richard Garin at Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin, Sr. at isinuko ang kanilang armas nitong Biyernes matapos na ipag-utos na kanselahin ang kanilang lisensiya at permit.

Sa ulat mula kay Chief Supt. John Bulalacao, regional director ng Western Visayas Police Regional Office, isinuko ng nakababatang Garin sa Iloilo police ang siyam sa kanyang 11 armas – walo sa mga ito ay paso ang lisensiya habang ang isa ay sub-machine gun, habang ang nakatatandang Garin ay nagsuko ng lima sa kanyang walong baril na pawang paso rin ang lisensiya.

Ito ay matapos ipahayag ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na maaaring makulong ang mag-amang Garin kung patuloy nilang itatago ang kani-kanilang armas.

“They have expired licenses and if they fail to surrender that, they can be subjected to a search warrant,” pahayag ni Albayalde sa Bocaue, Bulacan, nitong Biyernes.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

-Martin A. Sadongdong