KUNG may dapat bantayan sa pagbubukas ng UAAP women’s volleyball sa Pebrero, nangunguna sa listahan ang University of the Philippines.
Nakamit ng Lady Maroons ang dalawang kampeonato sa dalawang malaking torneo -- Premier Volleyball League Collegiate Conference at Philippine Superliga Collegiate Grand Slam – upang maging liyamado sa collegiate tournament.
Ngunit, aminado si coach Godfrey Okumu na mabigat ang laban sa UAAP para matupad ang target na tatlong suinod na kampeonato sa college meet ng UP.
“There’s going to be a lot of pressure for us now, so we’re just hoping for the best,” pahayag ni Okumu.
Aniya, ibanbg mundo ang UAAP at iba ang galawan ng mga karibal.
Sa PVL at PSL, nakalaro lamang ng UP ang tatlong UAAP rivals.
“That’s why I don’t wanna judge ourselves before playing everybody else,” aniya.
“We wouldn’t like to play so well in the offseason and then not perform well in the UAAP, so it’s going to be a tight situation for us.”
Mataas ang morale ng Lady Maroons, sa pangunguna ni Tots Carlos – tinanghal na PSL Collegiate Grand Slam Most Valuable Player