SA Twitter kinumpirma ni Vice Ganda ang mega success ng kanyang pelikulang Fantastica, na kumita na ng P100 milyon sa ikalawang araw ng pagpapalabas nito noong Miyerkules.“100Million na palakpak, pagmamahal at pasasalamat po Madlang People sa buong Pilipinas!!! FANTASTIC tayo ngayong Pasko!!! #Fantastica,” tweet ni Vice.

Vice copy

May hiwalay na post si Vice sa Instagram: “Same season. Same place. Same people. Same LOVE. 100Milliom Thank Yous, Madlang People!!!”

Kasama sa IG post ni Vice ang photo nila ni Direk Joyce Bernal na kuha sa SM Pampanga noong 2017, kung saan ang entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) that year ang top-grossing, ang The Revenger Squad. Sa ibaba ng photo nila ni Direk Joyce ay ang picture ng pagbisita nila sa SM Pampanga ngayong 2018, na Fantastica naman ang kanyang MMFF entry.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Second day gross pa lang ng Fantastica ang P100 milyon, at madadagdagan pa ito dahil ilang araw pang tatakbo ang 2018 MMFF. Magandang abangan kung makukuha ang target ni Vice na P1 billion gross para sa Fantastica.

-NITZ MIRALLES