VICTORIA, Tarlac – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pananambang sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Victoria-Tarlac City Road, Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac, kamakalawa.

Ayon kay SPO3 Gerald Mamaradlo, imbestigador, dead on the spot si Celedonio Valdez, 48, ng Bgy. San Fernando, Victoria ng naturang lalawigan.

Sa ulat, dalawang testigo ang nagsabing nakita nila si Valdez na naglalakad sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na may taas na 5'6'', malaki ang pangangatawan, nakasuot ng sweat shirt na may hood, at nasuot ng short pants.

Iniimbestigahan ang kaso.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Leandro Alborote