TATLONG boksingerong Pilipino ang lumasap ng pagkatalo sa Ukraine at Russia kamakailan sa pangunguna ni Rosekie Cristobal na dinaig ng walang talong si Ukrainian Denys Berinchyk via 7th round TKO para matamo nito ang bakanteng WBO International lightweight title nitong Disyembre 22 sa Ice Palace Terminal, Brovari, Ukraine.

Napatigil ni Berinchyk si Cristobal eksaktong 2:44 ng 7th round makaraang itigil ni referee Viktor Fesenchko ang sagupaan para ibigay ang kampeonato sa kanyang kababayan.

Napaganda ni Berinchyk ang kanyang kartada sa perpektong 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Cristobal sa 15 panalo, 3 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Nitong Disyembre 23 naman sa Moscow, Russia, natalo sa 10-round unanimous si dating Philippine weltwerweight champion Arnel Tinampay ni undefeated Nursultan Zhangabayev ng Kazakhstan para matamo nito ang bakanteng WBC Asian Boxing Council super welterweight belt.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa 6-round na sagupaan naman, napabagsak sa 6th round ni Edison Berwela si undefeated Kanan Huseyinaliyev ng Azerbaijan pero nanaig pa rin ito sa Pinoy boxer.

-Gilbert Espeña