ISANG 40-minutong dokumentaryong pelikula na layuning sagutin ang mga isyu at iba’t ibang akusasyong ibinabato kay Hen. Emilio Aguinaldo, ang kasalukuyan ginagawa at inaasahang ipalalabas sa kanyang ika-150 kaarawan sa Marso 22 ng susunod na taon.

Tampok sa pelikulang “Sa Ngalan ng Katotohanan” (In the Name of Truth), sa tulong ni Pilipinas HD Executive Producer Manolo Chino L. Trinidad na namamahala ng produksiyon, si “Aguinaldo” (gagampanan ng isang theatre actor), bilang tagapagsalaysay.

Isang proyekto ng Cavite Studies Center (CSC, para sa konsepto), ang probinsiyal na pamahalaan ng Cavite, sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) nito at ng Pilipinas HD at Cavite Historical Society, Inc. (CHSI), ipapakita ng pelikula ang panig ni Aguinaldo hinggil sa iba’t ibang isyung ipinupukol sa buhay ng Unang Pangulo ng Pilipinas, ayon kay De La Salle University-Dasmariñas (DLSU-D) Associate Vice Chancellor for research at Cavite historian, Dr. Emmanuel F. Calairo, na siya ring sumulat ng script.

“Para malaman ang saloobin ng matanda sa mga bagay-bagay (To get the old man’s, [Aguinaldo’s] take on things),” pagpapaliwanag ni Calairo sa konsepto ng pelikula.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Ang mga ibabahagi ni Aguinaldo ay papatunayan ng iba’t ibang mga publikasyong ng kasaysayan at mga datos upang paghiwalayin ang katotohanan sa opinyon, aniya.

“The academe and various historians bonded together, with the hope that this will finally resolve all issues, once and for all,” aniya.

Nitong Disyembre 20, ipinasilip ang pelikula sa pamamagitan ng isang teaser na ipinalabas sa activity center of SM Dasmariñas City, bilang bahagi ng mga aktibidad na may kaugnayan sa kaarawan ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Bukod sa teaser, isang 12-song compact disc (CD), na may titulong “Mga Awit ng Himagsikan (Mga Orihinal na Tula na Nilapatan ng Musika)”, na naglalaman ng mga koleksiyon ng tula na isinulat ng mga rebolusyunaryo tungkol sa kabayanihan, tagumpay, setimiyento, kalungkutan, pagliligawan, dedikasyon para sa Inang Bayan, ang kalayaang kanilang ipinaglaban at ang pamumuno ni Aguinaldo ang inilunsad.

Ang CD project ay pagtutulungan ng Cavite PTCAO, CSC, DLSU-D at CHSI. Habang ang musika nito ay likha ng DLSU faculty sa ilalim ng Religious Education Department, sa pangunguna ni Frank S. Villanueva.

Sa pagkikinig sa 12 awitin, itinampok ni CSC Director Dr. Pablo R. Iya ang walang hanggang papuri at pagmamahal ng mga rebolusyonaryo kay Aguinaldo, na makikita sa kanilang mga tula.

“Walang negatibong pananaw at walang kwestyon sa kakayahang mamuno ng unang presidente ng Republika,” pahayag ni Iya.

Isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Education (DepEd) Cavite at SM Malls, kabilang sa mga opisyal na dumalo sa paglulunsad sina PTCAO officer-in-charge Rozelle S. Sangalang, NHCP Executive Director Ludovico D. Badoy, NHCP Head of Heraldry and Division Research Alvin R. Alcid at SM Dasmariñas Mall Manager Edith R. Tayco. Kasama rin ang mga inapo ni Aguinaldo sa pamumuno ni Angelo Jarin Aguinaldo, Kawit Tourism head Dr. Norberto Victa Rayupa, at staff Rhouz G. Camposanto. Habang panauhing tagapagsalita si dating prime minister Caesar A. Virata, pinuno ng CHSI na inapo rin ni Aguinaldo.

PNA