July 26, 2026

Home BALITA Politics

'Baka may pinagdadaanan!' Sen. Robin, inintindi na lang talak sa kaniya ni Angel Locsin!

'Baka may pinagdadaanan!' Sen. Robin, inintindi na lang talak sa kaniya ni Angel Locsin!
Photo courtesy: via MANILA BULLEITN

Nagkomento na si Sen. Robin Padilla hinggil sa kontrobersyal na social media post sa kaniya ng aktres na si Angel Locsin hinggil sa naging pag-amin ng senador na pagiging komunista raw niya.

Sa isang panayam sa Sonshine Media Network International (SMNI) kamakailan, sinabi ni Padilla na pareho nilang napag-usapan ng kaniyang asawang si Mariel Padilla ang naging pahayag ni Locsin at nagpasyang huwag na lamang itong patulan.

“Si Angel Locsin, kaibigan ko ‘yan. Ang katotohanan ay saming dalawang mag-asawa [ni Mariel Padilla], nung nabalitaan namin yun, isa lang ang sinabi namin dalawa, ‘Baka may pinagdadaanan si Angel. Kami naman wala, so siguro intindihin na lang natin,” anang senador.

Hirit pa niya, “‘Wag na kaming sumagot o magsalita.”

Ayon pa sa senador, bukas pa rin ang komunikasyon niya para sa aktres kung nais nitong makipag-usap sa kaniya nang personal.

Politics

'Mas importante sa kanila sikmura!' SP Win, nagkomento sa mababang ratings ni PBBM!

“Kung gusto niya kaming makausap, bukas naman ang linya,” paliwanag pa niya. 

Sa parehong panayam, binalikan din ni Padilla ang panahong nakasama niya ang New People's Army (NPA), kung saan aniya ay natutuhan niya ang ideolohiya ng komunismo. Ito rin ang isa sa mga isyung binanggit ni Locsin sa kaniyang liham.

Iginiit ng senador na hindi niya itinakwil ang ideolohiyang kaniyang natutunan, ngunit nilinaw na iba ang paniniwala sa paggamit ng dahas.

“Hindi ko iniiwan ang ideology,” ani Padilla.

Ikinuwento rin ni Padilla na naging malapit sila noon ni Locsin dahil pareho silang mahilig sa martial arts. 

Aniya, naging bukas siya sa aktres tungkol sa kaniyang pagiging leftist at iginiit na walang masama rito hangga't hindi ito nauuwi sa armadong pakikibaka.

“Naging very close kami ni Angel kasi martial artist siya. Syempre, nagku-kwentuhan kami at noong panahon na ‘yon ay Gabriela siya. So, sinasabi ko sa kaniya na leftist ako — kasi wala namang masama kung leftist ka. Ang masama ay kung ikaw ay may dalang baril,” aniya pa.

Nauna nang naging usap-usapan ang open letter ni Locsin kung saan hinikayat niya si Padilla na "wake up" at kinuwestiyon ang umano'y pagbabago sa kaniyang mga prinsipyo. 

KAUGNAY NA BALITA: Angel sa pagiging 'komunista' ni Robin: 'Nasaan ka nung panahong nirered-tag ako?'