July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)

Masusi nang iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang pangyayari sa likod ng trahedyang pagpanaw ng isang Grade 3 learner sa Agdao District, Davao City, noong Miyerkules, Hulyo 22. 

Sa inilabas na pahayag ng DepEd nitong Sabado, Hulyo 25, tiniyak nilang naipatutupad ang karampatang child protection at due process sa mga batang kabilang sa imbestigasyon habang umaandar ang mga administratibong proseso sa pangyayari. 

“DepEd is ensuring that appropriate child protection and administrative processes are carried out in accordance with the law while upholding due process and the rights of all children involved,” saad ng ahensya. 

Samantala, ipinanawagan ng DepEd sa publiko na iwasang bumuo at magpakalat ng mga espekulasyon at mga hindi beripikadong impormasyon na posibleng makadagdag sa pasakit ng naulilang pamilya, mga batang iniimbestigahan, at ng buong school community. 

“We respectfully ask the public to allow the investigation to proceed and await the official findings. We also urge everyone to refrain from speculation or sharing unverified information that may cause further pain to the bereaved family, the children involved, and the school community,” panawagan ng DepEd sa publiko. 

Probinsya

Number coding, hindi suspendido sa SONA—MMDA

Sa nasabi ring pahayag, nagpaaabot ng pakikiramay ang DepEd sa pamilya ng Grade 3 learner, na isang mag-aaral sa Lapulapu Elementary School. 

Tiniyak din ng DepEd Regional Office XI, na bukod sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa imbestigasyon, bibigyan nila ng karampatang psychosocial support ang mga naapektuhang mag-aaral at school personnel. 

Matatandaang pinagsusuntok umano ng tatlong lalaking kaklase ang biktima sa loob ng paaralan. 

Ayon sa pamilya, nagsimulang magreklamo ang mag-aaral ng matinding pananakit ng ulo at nilagnat noong Martes, Hulyo 21. 

Sa kabila ng agarang gamutan sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), kung saan nakitaan ang CT scan ng bata na pamumuo ng dugo sa kaniyang ulo, sumakabilang-buhay ito noong Hulyo 22. 

MAKI-BALITA: Grade 3 pupil, patay sa sapak ng mga kaklase sa Davao City!