DAVAO CITY – Labing-isang sundalo ang nasugatan nang masabugan sila ng improvised explosive device (IED) habang sila’y nakikipagbakbakan sa grupo ng New People’s Army (NPA) sa Monkayo, Compostela Valley, kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni 10th Infantry Division (ID) spokesperson, Capt. Jerry Lamosao at sinabing ang mga nasugatan ay pawang miyembro 25th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA).

Ang sagupaan, ayon kay Lamosao, ay naganap sa Sitio Tinago, Barangay Mt. Diwata, bandang 10:00 ng umaga. Isinugod sa isang ospital ang nasabing mga sundalo.

-Armando B. Fenequito, Jr.

'Sampalin ko siya sa publiko?' FPRRD at Trillanes nagkainitan, inambahan ng mikropono