MAY bagong guwapong basketball player na tinitilian ngayon, sa katauhan ni Ricci Rivero ng UP Fighting Maroons. And he is only twenty years old. Pangatlo si Ricci sa pitong anak ni Coach Paolo “King” Rivero and wife Abigael Uy.

“Dad is the reason why I am here today,” says Ricci, na pinasok na rin ang showbiz, tulad ng ibang sumikat na basketball players, like Alvin Patrimonio and Benjie Paras.

Sa isang survey iniluklok si Ricci ng kanyang mga tagahanga as the most tweeted Filipino athlete.

Basketball and schooling ang top priorities ni Ricci, at subok lang sa kanya ang pag-aartista.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“I did it just for the experience and it was fun,” sabi ni Ricci.

Isa si Ricci sa cast ng horror comedy na Otlum, na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival, at showing na ngayong Martes, Christmas Day. Ang role niya ay killjoy sa barkada, na binubuo nina Buboy Villar, Vitto Marquez, Jarius Aquino at Danzel Fernandez.

Aktibo si Ricci sa social media, na ayon sa kanya ay epektibong paraan para mapasalamatan niya ang kanyang mga supporters.

-REMY UMEREZ