Uulanin pa rin ang malaking bahagi ng bansa hanggang ngayong Araw ng Pasko.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may umiiral na dalawang low pressure area (LPA) at tail-end ng cold front.

Ang isa sa nabanggit na sama ng panahon ay huling namataan kahapon sa layong 325 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ang nasabing LPA ay magdadala ng pag-ulan sa Southern Luzon, Bicol at Visayas sa susunod na mga araw.

Internasyonal

Pope Francis, tinig ng awa, habag, at pag-asa —Pangilinan

Tatahakin nito ang Visayas patungong West Philippines.

Inaasahang magdadala rin ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa hilagang Palawan.

Ang ikalawang LPA naman ay huling namataan sa silangan ng Mindanao, na maaapektuhan din ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Kahapon, ang sentro nito ay nasa layong 1,270 kilometro sa silangan ng Mindanao, o nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR).

Magdadala rin ito ng manaka-naka ngunit malakas na pag-ulan sa

Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, South Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat.

Bahagyang pag-ulan naman ang patuloy na naidudulot ng tail-end ng cold front sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Isabela, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan.

-Ellalyn De Vera-Ruiz