Patay ang isang pulis nang pagbabarilin siya ng apat na lalaki habang naghahanda sa pagdalo sa Misa de Gallo, kasama ang kanyang asawa, sa Barangay Pit-os, Cebu City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si PO2 Romeo Jumalon, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-7 headquarters, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Senior Insp. Alvin Llamedo, hepe ng Talamban Police sa lungsod, magsisimba sana ang mag-asawa nang mangyari ang insidente, dakong 4:00 ng umaga.

Pinauna nang pinasakay ni Jumalon ang asawa sa kanilang kotse dahil itse-check muna niya ang makina ng sasakyan, pero habang iniaangat niya ang hood ay biglang dumating ang apat na hindi nakikilalang lalaki at pinagbabaril siya.

Internasyonal

Pope Francis, may inelbow na Cardinal; hindi raw pwedeng sumali sa conclave?

Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang misis ng biktima.

“No one was able to take note of the plate number of the Toyota vehicle,” ayon kay Llamedo.

Aabot sa 30 basyo ng .9mm caliber pistol ang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon kay Llamedo, posibleng may kinalaman sa trabaho o personal na away ang motibo sa pamamaslang.

-Calvin D. Cordova