CUTE ang dating sa amin ng pelikulang The Girl in the Orange Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na entry ng Quantum Films sa 2018 Metro Manila Film Festival na mapapanood na bukas, Disyembre 25.
Sa ginanap na special screening ng pelikula sa SM Megamall Directors Club nitong Sabado, iisa ang komento ng mga nakapanood, ma l a - Notting Hill (1999), na pinagbidahan nina Hugh Grant at Julia Roberts, ang kuwento ng The Girl in the Orange Dress.
Inamin naman daw ng direktor ng pelikula na si Jay Abello kay Jericho na pangarap n i tong gumawa ng pelikulang katulad ng N o t t i n g Hill, kung si Anna S c o t t (Julia) ang sikat na celebrity sa kuwento, pero baligtad naman ang ginawa sa The Girl in the Orange Dress, dahil si Echo ang gumanap na sikat bilang si Rye.
M a y b a b a e n g naghahabol kay Rye (Echo) , si Kakai na ginampanan n i Ria Atayde na matalik na kaibigan ni Anna (Jessy) at nina Hannah Ledesma at Sheena Halili.
Nang ikuwento raw ito ni Direk Jay kay Jericho ay pinanood niya kaagad ang Notting Hill.
“I watched Notting Hill again and naaalala ko. Two decades na yon, ‘di ba? And timeless naman ‘yung ganu’ng story, ‘di ba? And for us, it’s nice to see something like that sa Filipino movie industry,” kuwento ng aktor.
Pero nabanggit ni Echo na kahit kilala na siya ay nahirapan siyang gampanan ang karakter na sikat.
“That was the hardest part, ‘yung feeling sikat. Karakter ni Rye as an artista, siguro 30-50% of the character is hindi ko gusto.
“I’m slowly stepping away from having someone to give me coffee, having someone like that only because that is my way of keeping my feet on the ground na makakagalaw ako mag-isa.
“And that’s also the reason why I also love to ride bikes kasi I like to be anonymous, parang ganyan nag-e-enjoy ako. It’s something that I protect, ‘yung privacy ko. I’m sure Jessy would agree na ito ‘yung mga issues ng mga artista,” paliwanag ni Echo.
Nakaka-relate rin kami sa karakter nina Via Antonio at Nico Antonio sa pelikula bilang reporters na naghahanap ng scoop kaya sinundan-sundan nila sina Anna at Rye.
Al iw a n g mg a sikat na artistang nag-cameo tulad nina Derek Ramsay, Kaladkaren, Tuesday Vargas a t Luis Manzano dahil nakatulong s i l a sa pelikula.
Samantala, hindi nag-e-expect si Echo na manalo ng award sa Metro Manila Film Festival Awards night, “No! I do not expect to win anything. My goal is to watch. At sana kumita ang movie. ‘Yun ang wish ko this Christmas, s a n a ma r a m i n g manood.”
Anyway, abangan sina Echo at Jessy sa mga sinehan dahil bigla na lang silang bubulaga sa inyong harapan.
-REGGEE BONOAN