KABUUANG 12 koponan mula sa Metro Manila ang nakatakdang maglaban-laban sa ilulunsad na 3×3 Basketball League.

Ito ang inihayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league commissioner Eric Altamirano sa pagtitipong idinaos sa Bar One sa Crowne Plaza, Quezon City nitong Biyernes.

“We are very excited with this 3×3 league backed by Chooks-to-Go. Ito yung unang pagkakataon natin na magkaroon ng liga for 3×3,” wika ni Altamirano. “We will have teams from Luzon, Visayas, and Mindanao.”

Kabilang sa mga nasabing koponan ay MPBL club teams Manila Stars; Go for Gold-San Juan Knights; Bataan Risers; Bacoor Strikers; Valenzuela Classic; Marikina Shoemasters; at Bulacan Kuyas.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sumali din sa inaugural conference ang Zark’s Burger- Quezon City; Cebu team ni Dondon Hontiveros, Davao Occidental at Pasig.

Ginagawa ng Chooks-to-Go ang pagdaraos ng torneo upang makatulong sa pagtitipon ng kinakailangang mga puntos para mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

“Though the point system of FIBA is complicated, it all starts by having a league,” ayon pa kay Altamirano. “Then when we have a league, we can now join the World Tour, which comprises of forty events. That’s where all the points come from.”

Ang first conference ng torneo ay may anim na stage at idaraos sa mga piling SM Malls kung saan bawat stage ay may hihiranging kampeon.

Sa ikaanim na stage, lahat ng teams ay magkakaroon ng ranggo base sa natipon nilang mga puntos kung saan ang top 4 ay awtomatiko ng seeded.

Lahat ay sasabak sa knockout tournament, kung saan ang magkakampeon ay mag-uuwi ng premyong P1,000,000.

Lahat ng mga laro ay ipalalabas sa ESPN5.

“What we want in ESPN5 is to elevate 3×3 basketball by broadcasting it with international broadcast coverage. We won’t cover it just like any other barangay league, we will elevate it to the international stage,” pahayag ni ESPN5 Vice President Lloyd Manaloto.

“This is in line with Chooks-to-Go’s mantra of giving the players the chance to showcase their skills.”

Samantala, ang mga pre-season games ay gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa darating na Enero 14.

-Marivic Awitan