July 26, 2026

Home BALITA National

Palasyo, tumirada kay Rep. Pulong; dehins daw 'political weapon' ang ICC!

Palasyo, tumirada kay Rep. Pulong; dehins daw 'political weapon' ang ICC!
Photo courtesy: RTVM, File Photo

Sinagot ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang binuwelta ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na ginagamit lang daw ng administrasyon ang International Criminal Court (ICC) bilang “political weapon.” 

Matatandaang pinuga sa publiko ni Rep. Pulong noong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, ang impormasyong nakarating sa kaniya na may arrest warrant na raw ang ICC laban kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at dalawa pa raw na dating pulis. 

“Wala na ba talagang katapusan ang administrasyong ito sa paggamit ng ICC bilang political weapon laban sa kanilang mga kalaban?” patutsada niya. 

Kaugnay nito, may opisyal na ring arrest warrant ang ICC laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa mula pa noong Mayo 11, 2026, dahilan para hindi pa muling lumilitaw sa publiko ang naturang senador dahil sa pagtugis ng mga awtoridad.

Sa pahayag naman ni Castro sa panayam sa kaniya ng media habang nasa Russia nitong Huwebes, Hunyo 18, dinepensa niyang Korte raw ang ICC at  totoong may kasong isinampa ang ilang mga Pilipino patungkol sa naganap na war on drugs sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

“Huwag nating kalimutan ‘yan. Pilipino rin po ang nagsampa ng kaso. Kung magkakaroon man po ng valid issue of warrant of arrest, valid pa rin po ‘yon at meron lang silang nais mapanagot,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Bakit ba lagi nating sinisisi ang Korte, sinisisi natin ang administrasyon. Huwag nating kalimutan ‘yong kaso, nasampa ito 2017 pa.” 

Ani Castro, hindi raw ginagamit ng kasalukuyang administrasyon ang ICC at tumutugon lang daw sila sa hiling ng mga kapuwa Pilipino na naging biktima ng extrajudicial killings (EJK).

“So hindi ito wini-weaponize. Kinakailangan lamang po na matugunan din ang hiling ng mga kababayan natin. Kung kinakailangang may mapanagot, dapat mapanagot. Kung kailangang may malinis na pangalan, malinis ang pangalan,” aniya. 

Buwelta ni Castro, lagi na lang daw kasing ginagamit ang administrasyon sa mga partikular na pangyayaring nagmumula sa desisyon ng ICC para galitin ang taumbayan samantalang may batas daw ang bansa na legal na nagsusuko ng mga “respondente” sa internasyonal na Korte. 

“Meron tayong batas na mismong nagsasabi na tayo, ang bansang Pilipinas, ang state natin, ay maaaring mag-surreder ng mga respondents. Iyon ay naaayon sa RA 9851. Huwag nating kalimutan po ‘yan,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Majority rules. This is democracy!' Sen. Bong Go, pumabor sa 'legal' na majority bloc