“A new year means new shows to look forward to. Get ready to be enthralled by the newest primetime offerings of GMA! Discover the purpose of their jouney. Be inspired by their courage to fight for what they stand for, and experience their pursuit of happiness and love!”

Kasunod nito, ipinakita na ng GMA 7 sa 24 Oras nitong Biyernes ng gabi, December 21, ang omnibus plug nila ng mga bagong primetime shows na sisimulan sa February, 2019.

Muling magtatambal sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kasama si Migo Adecer sa love story ni Sahaya, title-roler si Bianca. Makikita rito ang husay sa paglangoy ni Bianca.

Mula sa GMA News & Public Affairs naman ang TODA One I Love na magtatampok muli sa love team nina Kylie Padilla at Ruru Madrid na matagal nang hinihintay ng kanilang mga fans. Parehong palaban na tricycle drivers sina Kylie at Ruru at tiyak na hindi lamang ito romance, may action din.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May pagka-fantaserye naman ang Kara Mia kung saan gaganap na kambal sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz. Paano kaya kukunan ang mga eksena na kapag tumalikod si Barbie, mukha ni Mika ang lalabas?

Wala pang sinabi kung sino ang mga direktor ng tatlong bagong serye na papalit sa Cain at Abel, Onanay at ng Koreanovela na The Greatest Love pero nagsimula na silang mag-taping bago ang Christmas break.

-Nora V. Calderon