Aabot sa halos 8,000 pulis ang ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para mapanatili ang kaayusan sa Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar na nasa 7,800 pulis ang inatasang tiyakin ang seguridad sa mga mall, simbahan, at lugar ng transportasyon sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, bahagi ito ng anti-criminality effort ng NCRPO para tiyaking ligtas sa mga kawatan ang mga bahay at establisimyento sa Metro Manila na maiiwan ng mga pamilyang magbabakasyon sa Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Eleazar na sa nakalipas na tatlong taon, kapag “ber months” ay tumataas talaga ang bilang ng krimen.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Pero sa nakalipas na tatlong buwan, ayon kay Eleazar, bahagyang nabawasan ang naitalang krimen sa Metro Manila kung ihahambing sa naitala noong Enero hanggang Agosto 2018.

-Fer Taboy