Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa plebisito para sa pagpapatibay sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na nakumpleto na nila ang pag-iimprenta ng mahigit dalawang milyong balota noong nakaraang linggo.

“We are done with the printing. As of today, we are done with the verification,” sinabi kahapon ni Jimenez sa isang panayam sa Maynila nang lagdaan ang memorandum of agreement para sa voters’ education at information campaign para sa Bangsamoro Plebiscite.

Nitong Nobyembre, nagpasya ang Comelec na huwag ituloy ang plano nitong gumamit ng mga salitang English at Arabic sa opisyal na balota.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The decision was made that the language of the ballot would be in Filipino and Arabic for the existing ARMM areas, and Filipino for everywhere else. So we have no more English ballots,” ani Jimenez.

Idaraos ang plebisito para sa ratipikasyon ng BOL sa Enero 21 at Pebrero 6, 2019.

Ayon sa Comelec, ang plebisito sa Enero 21 ay isasagawa sa mga lugar na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), gayundin sa Isabela City sa Basilan, at sa Cotabato City.

-Leslie Ann G. Aquino