BUMIYAHE kagabi si 2018 Miss Universe Catriona Gray patungong New York City para simulan na ang kanyang official duties para sa pinakaprestihiyosong beauty pageant.

Kasabay nito, pumalo na kahapon sa tatlong milyon ang Instagram followers ni Catriona tatlong araw makaraan niyang mapanalunan ang korona.

“How I’m feeling now that there’s 3MILLION of you on this journey!” post ni Catriona sa IG. Ilang araw bago ang coronation night nitong Lunes, nasa 800,000 lang ang followers ni Catriona sa IG.

Dumating sa bansa nitong Miyerkules para sa isang private charity function sa Metro Manila, pagdating sa New York ay sisimulan na ni Catriona ang serye ng press tour, kung saan magkakaroon siya ng guest appearances sa mga sikat na radio at TV shows sa Amerika, at magbibigay din ng mga interview para sa print media. Nasa New York ang headquarters ng Miss Universe Organization.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nang sinabi ni Arch. Richelle Singson-Michael na inaasahang babalik si Catriona sa bansa sa Enero “for her victory parade and press conference”.

-Robert R. Requintina