Houston Rockets, natupok ng Miami Heat
MIAMI (AP) — Sa three-point nagtagumpay, sa three-point din ang kabiguan.
Mahigit 24 oras matapos maitala ang NBA record na 26 three-pointers sa dominanteng panalo laban sa Washington, nadiskaril ang five-game winning streak ng Houston Rockets nang maungusan ng Miami Heat, 101-99, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Laban sa Heat, na pinangunahan ni Josh Richardson na may natipang 22 puntos, naisablay ng Rockets ang 54 pagtatangka sa long distance area, tampok ang tirada ni Eric Gordon sa buzzer na nagpanalo sana sa Houston.
Nag-ambag si Tyler Johnson ng 19 puntos para sa ikatlong sunod na panalo ng Heat.
Naitala ni James Harden ang ikalawang sunod na 35 puntos, habang maagang na-bench si Chris Paul bunsod na panibagong hamstring injury sa kaliwang bahagi.
“It’ll be some time,” pahayag ni Rockets coach Mike D’Antoni, patungkol kay Paul, nakatakdang sumailalim sa MRI test. Ngayon.
Naidikit ng Rockets ang iskor sa dalawang puntos nang maisalapak ni Gordon ang three-pointer may 37 segundo ang nalalabi. Sa opensa ng Heat, sumablay ang tira ni Dwyane Wade, ngunit nakuha ni Hassan Whiteside ang rebound para sa isa pang pagkakataon, ngunit muling sumablay ang two-time NBA champion. Nakuha ng Rockets ang bola may 3.8 segundo ang nalalabi para sa posibilidad na maagaw ang panalo, ngunit hindi kinasiyahan ang huling bitiw ni Gordon
Hataw din si Derrick Jones Jr. sa Miami na may 15 puntos, habang tumipa sina James ng 11 puntos, habang kumana sina Johnson at Wade ng tig-10 puntos.
Sa Boston, sasailalim sa surgery si Boston Celtics center Aron Baynes matapos mabalian ng hintuturo sa kaliwang kamay at mangangailangan ng surgery.
Ipinahayag ng Boston management ang pinsala sa kaliwang kamay ni Baynes, isang araw bago ang ma-injury sa laro laban sa Phoenix Suns.