Naglabas ng kaniyang hinaing ang Production Manager na si Roda De Leon ng tinaguriang pinakamatandang ochestra sa Pilipinas na Manila Symphony Orchestra (MSO) sa naging aberya sa bitbit nilang mga musical instrument sa Cebu Pacific.
Ayon sa viral na post ni De Leon sa kaniyang Facebook account noong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, makikita ang larawan ng mga miyembro ng MSO na naharang ng mga kawani ng Cebu Pacific Airline.
Ani De Leon, hindi raw sila pinayagan ng naturang airline na dalhin sa loob ng cabin ang kanilang mga biyolin nakalagay sa loob ng mga violin case.
Makikita rin sa mga larawang isinapubliko ng production manager na tinanggal sa mga violin cases ang kanilang musical instruments dahilan para bitbitin ng mga naturang miyembro ang kanilang aktuwal na mga biyolin at bow sa loob ng cabin ng eroplano.
“Cebu Pacific Air did not allow violins as carry-on and wanted us to check them in, which of course is NON-NEGOTIABLE,” pagsisimula ng uploader.
Screenshot mula sa FB post ni De Leon.
Diin ni De Leon, nakalipad na raw sila nang maraming beses sa Cebu Pacific Airline at iba pang mga lokal at international airlines nang hindi nagkakaroon ng anomang aberya sa kanilang mga bitbit na musical instrument.
“We were always allowed to carry them into the aircraft,” aniya.
Saad ni De Leon, iyon pa lang daw ang unang beses na maharang sila sa gate ng naturang airline at pinayo sa kanila na i-check in na lang ang mga violin case habang personal nilang dadalahin ang kanilang mga biyolin at bow sa loob ng eroplano sa kanilang paglipad.
Pagpapatuloy ni De Leon, hindi na raw muling gagamit ng Cebu Pacific Airline ang MSO.
“CebPac has just lost a client. The MSO, the country's oldest orchestra, is not gonna fly CebPac anymore,” pagtatapos pa niya.
Sa naging tugon naman ni Erwin S. Colcol, Manager, Corporate Communications ng Cebu Pacific sa Balita nitong Huwebes, Hunyo 18, ipinaliwanag niyang na-check in naman daw nang libre ang mga violin cases ng MSO at hindi naantala ang kanilang flight.
“We also want to make it clear that the violin cases were not confiscated. For violins that are too big for hand carry, their cases were checked in for free, while the instruments themselves were hand-carried,” aniya.
“We would like to remind passengers traveling with musical instruments that those exceeding the standard hand-carry size allowance may be accommodated through CEB Special Baggage,” paalala pa niya.
Paglilinaw ni Colcol, maaari naman daw bumili ang mga pasahero ng CEB Special Baggage sa proseso ng kanilang pagbo-book sa Cebu Pacific mobile app para masigurado ang seguridad ng mga musical instrument.
KAUGNAY NA BALITA: 'Lost a client:' MSO members, nagka-aberya sa bitbit na mga violin case sa isang airline!