July 25, 2026

Home BALITA Politics

'Magaling naman sila mang-intriga eh!' Sen. Alan, bumanat sa patutsada sa kaniya ni Sen. Ping

'Magaling naman sila mang-intriga eh!' Sen. Alan, bumanat sa patutsada sa kaniya ni Sen. Ping
PHOTO COURTESY: ALAN PETER CAYETANO/FB,FILE PHOTO

Pinatulan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang naging pahayag ni Sen. Ping Lacson hinggil sa ₱700 milyong pondo umanong naaksaya sa loob ng mahigit isang buwan niyang pag-upo noon bilang Senate President.

Sa kaniyang Facebook live nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2026, kinuwestiyon ng dating Senate President ang alegasyon sa kaniya ni Lacson.

“Sabi ni Senator Lacson, ‘Sayang ang pera. Nung si Alan Cayetano ang Senate president ₱700 million ang nagastos.’ Sabi ko, san kaya galing yun?” ani Cayetano.

Maging ang magkapatid na sina Sen. Raffy at Sen. Erwin Tulfo ay binanatan din ni Cayetano.

“Ni-reveal n’ya parang pang-intriga kasi magaling naman sila mang-intriga eh. Nag ta-take turns lang naman po si Raffy Tulfo, si Erwin Tulfo, si Senator Ping Lacson... Tag team lang yun, ‘Oh kayo naman mang-inis kay Alan,’” saad pa ng senador.

Politics

'We haven't slowed down!' Sen. Ping, tuloy imbestigasyon sa Taguig kahit weekend!

Matatandaang nitong Huwebes din nang inihayag ni Lacson ang naaksaya umanong pondo sa liderato noon ni Cayetano.

“Estimated Cost - ₱700M. Output - chaos, gunfire, Bato’s escape despite ICC-issued warrant while under its ‘protective custody’, session boycott, failed destabilization attempt, unauthorized committee hearings highlighted by one not presided nor attended by a single senator. ” ani Lacson. 

KAUGNAY NA BALITA: ₱700 milyong pondo, naaksaya sa liderato ni Sen. Alan—Sen. Ping

Tinukoy ng senador ang ilang kontrobersiyang naganap sa gitna ng krisis sa liderato ng Senado, kabilang ang mga sesyong nauwi sa kaguluhan, mga boycott sa plenaryo, at mga pagdinig ng komite na kinuwestiyon ang awtoridad at legalidad. 

Matatandaang umupo si Cayetano bilang Senate President noong Mayo 11 matapos ang matagumpay nilang kudeta laban sa noo’y liderato ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III. 

Sa bilang na 13-11, nakuha ni Cayetano ang bilang ng majority bloc matapos ang biglaang paglitaw noon sa Senado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang kaniyang ilang buwang pagtatago mula sa banta ng pag-aresto sa kaniya sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).