Siyam na sangkot umano sa ilegal na droga at 1,866 na lumabag sa city ordinances ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa buong lungsod.

Sa ulat ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., pawang nasa hustong gulang ang mga suspek na sina Genesis Alfonso, ng Caloocan City; Armando Reloso, Arturo Ordez, Maria Theresa Vijar, pawang taga-Barangay Ramon Magsaysay, Bago Bantay; Felicisimo Sotto, ng Cotabato St., Bago Bantay; Eldan Abedaño, ng Bgy. Mariana; Milco Borja, Jack Jay Cruz, 18, at Jayvee Gonzales, pawang taga-Marikina City.

Nakumpiska sa mga arestadong suspek ang mga plastic sachet ng shabu, mga marijuana, at marked money.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa kulungan ng QCPD matapos kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Samantala, arestado rin ang 1,866 na lumabag umano sa batas at city ordinances ng lungsod.

Nabatid na nahuli ang mga suspek ng mga operatiba ng QCPD simula 5:00 ng umaga ng Disyembre 16 hanggang 5:00 ng umaga ng Disyembre 17, 2018.

Ayon kay Esquivel, ang mga hinuli ay mga nakahubad na naglalakad sa kalsada at nakaistambay sa pampublikong lugar.

Mayroon ding nag-iinuman sa labas ng bahay, naninigarilyo sa public places, nag-jaywalking, lumabas sa traffic laws, nag-ingat ng patalim, at nagkalat.

Ang mga nahuling lumabag sa iba’t ibang mga barangay sa Quezon City ay binigyan ng Ordinance Violation Receipts (OVR) o nagsagawa ng community service.

-Jun Fabon