OPISYAL nang nasa trading block ng Talk ‘N Text ang kontrobersyal guard na si Terrence Romeo.

Malakas ang bulung-bulungan na interesado ang San Miguel para mas mapalakas ang front-court ng Beermen at handa umano ang management nabitiwan ang dalawang players at future first round pick para makuha ang dating FEU star.

Lumala ang sitwasyon ni Romeo sa TNT nang tuluyan itong hindi sumipot sa ensayo ng koponan nang walang abiso. Hindi rin ito dumalo sa Chrsitmas party ng koponan.

Ayon sa source, malala na ang negatibong ugnayan ni Romeo sa mga opisyal gayundin sa ilang players ng Katropa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna nang nagpamalas ng katigasan ng ulo si Romeo nang makipagtalo ito at makipagsigawan sa dati niyang coach na si Pido Jarencio sa NorthPort.

Sa naganap na trade ng Northport sa TNT hindi rin nabago ang imahe ni Romeo na nasabit sa iba’t ibang gulo sa loob at labas ng basketball.