Lakers, sadsad sa Washington; Sixers, wagi
WASHINGTON (AP) — Umariba si John Wall sa naiskor na 40 puntos at 14 assists para sandigan ang Washington Wizards laban kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers, 128-110, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Isang araw matapos ang markadong triple-double nina James at Lonzo Ball laban sa Charlotte, nalimitahan ang four-time MVP sa season-low 13 puntos, anim na rebounds at tatlong assists mula sa 5-of-16 shots. Hindi na siya pinalaro sa final period.
Dominado ng Wizards ang laban at umarya sa 18 puntos na bentahe sa first quarter at lumobo sa 27 puntos sa third period.
PACERS 110, KNICKS 99
Sa Indianapolis, ginapi ng Indiana Pacers, sa pangunguna ni Victor Oladipo na tumipa ng 26 puntos, ang New York Knicks. Nag-ambag si Myles Turner ng 24 puntos.
Kumana rin si Oladipo ng walong rebounds at pitong assists, habang umarya si Turner ng anim na rebounds at dalawang blocks.
Nanguna si Enes Kanter sa New York sa naiskor na 20 puntos at 15 rebounds, habang humirit sina Tim Hardaway Jr. at Mudiay ng 19 at 18, puntos, ayon sa pagkakasunod..
Umarya ang Pacers sa double digits na bentahe sa kabuuan ng laro atnaisara ang halftime sa 56-53.
Huling nagtabla sa iskor na 81 bago umiskor ang Indiana ng pitong sunod na puntos para sa 88-81 bentahe.
SIXERS 128, CAVS 105
Sa Cleveland, naitala ni Ben Simmons ang ikatlong triple-double ngayong season – 22 puntos, 11 rebounds at 14 assists – habang humirit si Joel Embiid ng 24 puntos para durugin ng Philadelphia 76ers ang Cavaliers.
Nagbalik aksiyon si Butler mula sa injury sa naiskor na 19 puntos., habang nag-ambag sina Landry Shamet ng 16 puntos sa Philadelphia at J.J. Redick na may 14 puntos at may 11 puntos si Wilson Chandler.
Nanguna sa Cavs sina Cedi Osman at Jordan Clarkson na may tig-18 puntos, habang humugot sina Rodney Hood at Matthew Dellavedova ng tig-13 puntos.
NETS 144, HAWKS 127
Sa New York, hataw si D’Angelo Russell sa naiskor na 32 puntos, habang humirit sina Rondae Hollis-Jefferson ng 18 puntos at Joe Harris na may 16 puntos sa panalo ng Brooklyn Nets kontra Atlanta Hawks.
Humiwalay sa dikitang laban ang Nets sa ibinabang 11-5 run para sa 108-82 bentahe.