Idineklara ng Vatican na minor basilica ang dalawang Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Inaprubahan ng Vatican ang hiling ng Diocese of Cubao na gawing minor basilica ang National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City.

“Yes. Our application of Our Lady of Mt. Carmel Shrine to be a Minor Basilica was approved,” sinabi kahapon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa isang text message. “The formal announcement will be made soon.”

On Saturday, the Diocese of Cubao posted the letter of the Vatican granting their request in their Facebook page.

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

Bukod sa Our Lady of Mt. Carmel, inaprubahan din ng Congregation ang petisyon ng Diocese of Laoag para kilalanin din bilang minor basilica ang St. John the Baptist Parish Church (Shrine of La Virgen de Milagrosa de Badoc) sa Ilocos Norte.

Inihayag ni Laoag Bishop Renato Mayugba ang good news sa kanyang circular letter na may petsang Disyembre 16, at opisyal itong ihahayag sa isang misa sa Disyembre 27.

-Leslie Ann G. Aquino