HINDI makapaniwala ang Kapamilya actor na si Aljur Abrenica na nasa “hype” pa rin siya ng kakatapos na kasal nila ni Kylie Padilla.

Kylie, Alas at Aljur copy

Sa interview sa Kapamilya Chat nitong Biyernes, ipinaliwanag din ng aktor kung bakit ‘tila biglaan ang pagpapakasal nila ni Kylie.

“The reason why, kasi this is the only time na mabubuo ang pamilya ni Kylie, kasama ang mga kapatid niya from Australia and her mom. Eto lang ‘yung time na puwede, so sabi ko, ‘let’s go’,” paliwanag ni Aljur.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Hindi inaasahan ng mga fans ang biglaang paglabas ng wedding photos nina Aljur at Kylie sa social media nitong Miyerkules ng gabi.

Dagdag ni Aljur, nagkaroon lang sila ng dalawang linggong paghahanda para sa kasal.

“Nag-honeymoon na kami sa bahay lang. Nag-ayos kami ng bahay. We spent our time with our baby.

“Kasi these past two weeks hindi namin masyado nakasama ang anak namin, dahil nag-focus kami sa pagpe-prepare (para sa kasal). Nag-prepare kami less than a month, na-settle lahat in less than two weeks. So, medyo andami naming inayos,” sabi ni Aljur.

Tinanong si Aljur kung may balak pa silang sundan ang anak nila ni Kylie na si Alas Joaquin.

“Apat pa ang gusto ko. Kaso mukhang magne-negotiate pa kami ni Kylie,” sabi ni Aljur, sabay tawa.

-Ador V. Saluta