NAKUNAN ng litrato ang pagbeso nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual nang magkita sa elevator ng Novotel Hotel kung saan naka-billet ang ABS-CBN stars para sa Christmas Special ng network na ginawa sa Smart Araneta Coliseum.

Judy Ann at Piolo copy

Marami ang natuwa nang makita sa video, na naka-post sa social media, na nag-beso ang dalawa. Hindi naman magkandatuto ang taong nakakuha ng naturang video at picture ng pagkikita nina Judy at Piolo.

“Waaah! PIOLO-JUDY! Alam ko na kung bakit sobrang tagal ni Papapi nag-antay ng elevator...kasi naka tadhana na magkita sila ni Juday! Hahaha! Movie naman dyaaaan! @direkbinibini direk ito na ba ang sign? Haha!,” caption nito sa post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil sa litratong ‘yun, nabuhay ulit ang napakaraming fans nina Judy Ann at Piolo at pare-pareho ang request nila: sana ay gumawa uli ng pelikula ang dalawa. Para ngang walang nang magiging problema dahil okay na naman sila.

To be honest, hindi na namin matandaan ang isyu kina Judy Ann at Piolo na naging dahilan kung bakit hindi na ulit nagtambal ang dalawa sa pelikula.

-NITZ MIRALLES