PARA sa month ng December pala ang pasabog ni Andrea Torres sa kanyang self-produced sexy calendar for 2019, na mabibili na ngayon for P800.

Andrea

Topless si Andrea sa pictorial, kaya lang, black and white ang nakita naming picture na ipinost, hindi masyadong aninag ang kanyang kaseksihan. Pero paniguradong marami pa rin ang bibili ng calendar niya dahil doon, at sa ibang sexy photos.

Christmas gift ni Andrea sa kanyang supporters ang calendar para sa ilang taong pagsuporta ng mga ito sa kanya. Nakakatuwa nga dahil kahit mga babae ay gustong bumili ng calendar, para tuloy ang suporta nila sa aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Speaking of Andrea, na-tweet niya kamakailan na sumasakit na naman ang lower back niya.

“I’m kinda scared. Please don’t let this be a relapse of my injury.”

Sa nagtanong kung may binuhat siyang mabigat, sinabi ni Andrea na matagal na siyang hindi nagdyi-gym dahil sobrang busy.

Kapag hindi pa rin nawala ang pananakit ng lower back niya, muli siyang magpapa-MRI para lang makasiguro.

-Nitz Miralles