HINDI malaman ng movie production kung napipilitan na lang mag-artista ang isang kilalang aktres dahil may tinatapos siyang kontrata, o sadyang may ugali siyang hindi maganda.

Iisa ang reklamo sa kilalang aktres ng lahat ng nakatrabaho niya sa telebisyon, pelikula, at commercials: “Lagi siyang late dumating sa set, at nagmamadaling umalis pa.”

“Nakakaloka talaga si (kilalang aktres), late na nga dumating, nagmamadaling umalis pa kasi may lakad pa raw. Eh, bakit niya isinabay-sabay lahat ng lakad niya? Sino ba ang gumagawa ng schedule niya?” kuwento sa amin ng isang nakatrabaho niya sa pelikula.

Ang alam namin, kapag sa schedule ay ang management ng artista ang may hawak o nakakaalam. Posibleng isinaksak din lahat ng manager at hindi lang makaangal ang artista, kaya nagmamaganda na lang para makabawi.

Tsika at Intriga

Ser Geybin sa na-bash na video: 'Aminado ako, biglaan ko 'yon inupload!'

Posibleng ito ang dahilan ng kilalang aktres kaya nag-a-attitude siya at hindi na lang makaangal. Ang hindi niya alam, sa kanya nagre-reflect ang lahat ng pagmamaganda niya.

May nakausap kaming direktor na gumagawa ng mga commercial, at may sarili siyang kuwento tungkol sa kilalang aktres.

“’Pag siya ang artista, ayaw ko na. Maski na malaki pa ang ibabayad sa akin. Dusa at nakakaubos ng pasensiya,” sabi ng direktor.

Sa obserbasyon namin, parang wala na nga masyadong TVC ngayon ang kilalang aktres

-REGGEE BONOAN