DAGUPAN CITY - Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11132, na nagdedeklara sa ika-21 ng Marso ng bawat taon bilang San Fabian Day sa San Fabian, Pangasinan.
Si Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia ang nagsulong sa nasabing panukala, na ngayon ay ganap nang batas.
Isinulong bilang House Bill 1865, itinaguyod ni De Venecia ang panukala dalawang buwan makaraan siyang mahalal bilang kongresista.
Batay sa kasaysayan, isang barangay lang noon ang San Fabian, na ang orihinal na pangalan ay Angio, na ang ibig sabihin ay mapait na prutas.
Pero noong Marso 21, 1717, idineklara ang Angio bilang munisipalidad ng San Fabian, base sa petisyon ng mga dominikanong pari.
Sa ngayon, ang San Fabian ay isa nang first-class municipality sa Pangasinan.
Alinsunod sa bagong batas, ipagdiriwang ng Pangasinan ang Marso 21 ng bawat taon bilang San Fabian Day, isang special non-working holiday sa munisipalidad.
-Liezle Basa Iñigo