May 28, 2026

Home BALITA National

PNP, kukumpiskahin mga baril kung 'di isusuko ni Sen. Bato!

PNP, kukumpiskahin mga baril kung 'di isusuko ni Sen. Bato!
File Photo

Nanindigan ang Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP FEO) na kukumpiskahin nila ang mga baril ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung hindi man ito isusuko ng senador. 

Matatandaang inapela ng Department of Justice (DOJ) sa PNP noong Martes, Mayo 26, 2026, ang agarang pagre-revoke sa lisensya ng baril ni Dela Rosa dahil na rin sa pagtatago ng huli sa pagtugis ng mga awtoridad sanhi ng inisyung warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC). 

KAUGNAY NA BALITA: 'As soon as possible!' DOJ, umapelang tanggalin lisensya ng mga baril ni Sen. Bato

Kaugnay nito, pinangunahan naman ng tumatayong abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon noong Miyerkules, Mayo 27, ang pormal na pag-epela nila para hindi tanggapin ang panukalang ma-revoke ang lisensya ng mga baril ng senador alinsunod sa Section 39 ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act o RA 10591.

Anila, maaari lamang daw ma-revoke ang mga armas ng isang indibidwal kung mayroong utos na magmumula sa Korte ng Pilipinas at hindi naman daw akusado ang senador sa mga lokal na Korte ng bansa. 

National

'Bayan o sarili, mamili ka:' Usec. Castro, bumanat ng linya ni Hen. Luna sa walkout sa Senado!

Ayon naman sa naging pahayag ni PNP PIO chief PCol. Allen Rae Co sa isinagawa nilang press briefing nitong Huwebes, Mayo 28, sinabi niyang maninindigan daw silang i-revoke pa rin ang lisensya ng mga baril ni Dela Rosa alinsunod sa section 4(g) ng Republic Act No. 10591

“We stand by our decision to revoke the licenses of Sen. Bato dela Rosa,” pagsisimula niya. 

Aniya pa, “Ang sina-cite po niya… ‘yong section 4(g) is actually for applicants.” 

Ani Co, may tungkulin pa rin daw na kumpiskahin at i-revoke ng PNP FEO ang lisensya ng mga baril ni Dela Rosa at tiniyak niyang wala raw iyong impluwensya ng politika. 

“Now it is our stand ‘yong FEO po having a regulatory function overall firearms licenses can be revoked,” ‘ika niya.

Dagdag pa niya, “And ‘yong kanilang decision is not influenced by any political quorum and any other parts ‘yong facts that was stated.” 

“Ito pong [section] 4(g) ay we believe it is our stand that it is a continuing requirement for the possession ng firearms po and any licences,” pagtatapos pa ni Co. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, tugon, o reaksyon ang kampo ni Dela Rosa kaugnay rito.  

KAUGNAY NA BALITA: PNP, nasa proseso na ng pagtatanggal lisensya ng 100+ baril ni Sen. Bato!

KAUGNAY NA BALITA: DOJ kay Sen. Robin: 'Andami niya na ring inamin na ginawa niya!'