Kasabay ng pagpasok ng Holiday season ilang araw bago ang Pasko, nagpaalala ang Manila Police District (MPD) laban sa mga mandurukot at mapagsamantala, lalo na ngayong abala na sa pamimili ng pangregalo ang marami sa atin.

Sa isang panayam sa Balita, pinaalalahanan ni MPD Director Chief Supt. Vicente Danao, Jr. ang publiko na maging mapagmatiyag sa kanilang paligid, lalo na kapag nasa Christmas shopping.

“Bantayan n’yo mga gamit n’yo. Marami po naglipana ngayon na mandurukot, at tsaka mga manloloko sa mga Budol-budol,” ani Danao.

Ibinahagi rin ni Danao ang kalimitang modus ng kilabot na Budol-budol gang.

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!

“May mga instance, papakitaan ka ng pera pero actually ‘yung pera nasa top lang na parang na-cut na newspaper. Then kunwari ipapahawak sa inyo. Siyempre nasilaw ka, in exchange of your earrings, alahas, relo, cell phone,” paliwanag ni Danao.

“Another is sasabihan nila na bebentahan ka kunwari ng alahas, only to find out na peke pala,” dagdag pa ni Danao.

Upang maiwasang mabiktima, hinikayat ni Danao ang publiko na huwag nang magsuot ng mga mamahaling alahas at iwasang makipag-usap sa mga hindi kakilala.

Kaugnay naman ng traffic, umapela ang MPD director sa mga motorista na mag-carpooling na lang.

Inatasan din niya ang Traffic Enforcement Unit ng siyudad na siguraduhin ang maayos na daloy ng mga sasakyan, lalo na sa Divisoria.

“Ang worry natin baka magkasunog, napakadelikado. Kailangan magkaroon ng easement [ng] flow of traffic wherein our trucks, ambulances will be able to pass through immediately in case of emergency,” aniya

-RIA FERNANDEZ