ON its second year ay idinaos ang Charity Bowl ni Alice Dixson sa E Lanes Bowling Center sa Greenhills, na sinalihan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Alice

“Last year ay nag-isip kami kung paano ise-celebrate ang aking kaarawan. We decided to go bowling at doon kami nagkaroon ng ideya. Why not go bowling for a cause?” sabi ni Alice.

Kabilang sa mga sumali last year sina Edu Manzano, Ara Mina, Donita Rose, at Tom Rodriguez. Sa loob ng isang buwan ay nakalikom sila ng P250,000 cash.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Child sponsorship ang itinataguyod ni Alice, or adoption para sa batang Kalipay ng Bacolod City.

Layunin ng Kalipay Foundation na mag-alaga ng mahihirap at inabusong bata on long- or short-term basis.