NILINAW ni Arjo Atayde ang inisyung post niya, na pinalalabas ng ilan na patama raw kay Alden Richards—ang ka-love team ng inili-link ngayon sa kanyang si Maine Mendoza.

Alden, Maine, Arjo

“First of all I have no idea what you’re talking about...please read the lyrics it’s not for him,” post ni Arjo makaraang ibalita sa isang website na sagot daw niya sa maling pronunciation ni Alden sa pangalan ng singer na si Michael Bublé ang nauna niyang pagpo-post sa album ng singer.

Nag-post kasi si Arjo sa Instagram ng album ni Michael Bublé na Call Me Irresponsible, at pinalabas ng isang website na reaksiyon yun ni Arjo sa maling pagbigkas ni Alden sa apelyido ng singer, na binanggit ng TV host as “Bubble.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Na-bash si Arjo dahil doon, kaya nilinaw niyang hindi para kay Alden ang pagpo-post niya ng album ni Michael Bublé. May mga nagtanggol kay Arjo at sinisi pa ang website, iginiit na pinag-aaway ng huli ang supporters nina Alden at Arjo.

But knowing Alden, dedma lang siya sa mga nagse-shade at namba-bash sa kanya. Sinabi niya nang minsan na sanay na siya dahil sa loob ng three years ay araw-araw daw siyang nakatatanggap ng bashings.

Saka, ayon sa mga nakapanood sa episode ng Eat Bulaga kung saan binanggit ni Alden ang nasabing maling pronunciation sa apelyido ng foreign singer, sinabi nilang biruan talaga nina Alden at Bossing Vic Sotto na “Bubble” ang bigkas sa surname ng singer. Sa huli, kinorek din ni Alden ang pronunciation, at hindi yata napanood ito ng nang-iintriga sa post ni Arjo. Kaya ini-report ang insidente bilang pagkakamali raw ni Alden.

Lumaki na ang isyu, nagsasagutan na ang supporters nina Alden at Arjo. At sana ay matapos na ito dahil mababaw ang isyu, na biruan lang naman talaga ang naging ugat.

-NITZ MIRALLES