ANO ba ‘yan?! Sa halip na maawa, na-turn off ang netizens na nakabasa sa post-apela ni Mystica kay Dingdong Dantes na tulungan siya nitong makasama sa cast ng Cain at Abel, dahil sa paraan ng paghingi ng tulong ni Mystica.
Ayon sa mga netizens, demanding daw si Mystica at parang inoobliga niya si Dingdong na tulungan siya.
“Kung ayaw ni Michael V na pansinin ‘yung mga panawagan ko for me to continue in pursuing my comedic talent, then mag-switch na lang ako into drama so that I can grow as an actress in terms of doing some dramatic roles,” saad sa post ni Mystica.
“So in connection with this, I am calling the attention of Dingdong Dantes since I have already worked with him before in some TV guestings as far as variety shows are concerned! Sana matulungan niya akong maipasali sa kanyang kinabibilangang bagong programa called Cain at Abel at GMA-7!
“Mas masama ang magutom o magnakaw kaysa kumatok sa pinto upang makapagtrabaho sa kinagisnan kong trabaho sa mundo ng showbiz! Kung hindi man nabigyan ng pansin ang panawagan ko kay Michael V, then it’s time to move on and knock at another door.
“I have gone this far, I am not gonna stop knocking at doors now! So, mga anak at apo, sino ang next kong kakatukin?”
Matatandaang unang nanawagan ng tulong si Mystica kay Coco Martin, na naging daan para makapag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi lang nagtagal ang labas ni Mystica sa action series ni Coco, at parang nagtampo siya.
Kalaunan, inamin ni Mystica na kay Michael V at sa Bubble Gang talaga niya gustong mapasama. Sinabihan lang daw siya ng fans niya na kay Coco lumapit.
Dahil sa inamin ni Mystica, nagalit tuloy sa kanya ang fans ni Coco.
Kamakailan, nanawagan uli si Mystica kay Michael V, pero walang reaction ang komedyante. Kaya kay Dingdong naman siya humihingi ng tulong ngayon.
Kaya lang, parang hindi maganda na pagkatapos niyang lumabas sa Ang Probinsyano ay sa katapat nitong Cain at Abel naman niya gustong lumabas.
May nagpaalala rin kay Mystica na hindi lang si Dingdong ang bida sa Cain at Abel, bida rin sa bagong Kapuso teleserye si Dennis Trillo. Ipinaalala rin kay Mystica ng netizens na ang GMA-7 ang producer ng action drama series nina Dingdong at Dennis, at ang producer ang nagde-decide kung sino ang gusto nilang kunin at isama sa show.
-NITZ MIRALLES