WALANG ligoy n a s i n a g o t kami ni Sunshine Dizon, after ng grand launch ng Rainbow’s Sunset, ng Heaven’s Best Entertainment Productions at isa sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival, nang kumustahin namin ang kanyang love life.

Sunshine copy

Two years na silang hiwalay ng asawang si Timothy Tan, pero masaya siyang kasama ang dalawang anak nilang sina Doreen at Anton.

“I’m still married, hindi pa ako annulled,” nakangiting sagot ni Sunshine, na mas gumanda pa ngayon, bukod pa ang ganda ng figure niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ayaw ko pong magsalita nang tapos. Bahala na po si Lord, basta as of now, happy po naman kami.”

Very civil daw sila ng dating husband, na siya pa ring naghahatid-sundo sa dalawa nilang anak. Ginagawa pa rin ni Timothy ang duty nito as a father sa mga anak nila.

“Hanggang hindi pa ako annulled, ayaw ko pang pumasok sa bagong relasyon. I don’t want to repeat the same thing, kasi parang napaka-unfair, ipinaglaban ko tapos parang ibinalik ko rin dahil kasal pa ako, mag-e-entertain ako (ng manliligaw). Parang hindi maganda.”

Paano kung may dumating na gusto na rin niya?

“That’s the time na dapat na akong mag-file ng annulment, kung meron na bakit hindi, choosy ka pa ba? Andiyan na may magmamahal na sa iyo, aayaw ka pa ba?”

Tinanong din si Sunshine kung may alam ba siya kung magpapa-file na si Tim ng annulment, pero sinabi niyang wala siyang balita tungkol dito.

“Hindi ko rin naman po nararamdaman na nag-iisa ako, dahil nandiyan ang dalawa kong anak. Saka malaking bagay po sa akin na lagi akong may trabaho. Hindi mo mapi-feel na malungkot ka dahil busy ka.”

Sa Rainbow Sunset mapapanood na naman ang mahusay na portrayal ni Sunshine bilang bunsong anak nina Eddie Garcia at Ms. Gloria Romero. In fact, lahat ng performers sa movie na idinirek ni Joel Lamangan ay walang itutulak-kabigin sa husay sa pagganap, gaya nina Eddie, Gloria, Tony Mabesa, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Max Collins, Jim Pebanco, Sue Prado, at marami pang iba.

May bago ring teleserye na sinimulan na ni Sunshine ang taping, ang Inagaw Na Bituin, para sa afternoon prime block ng GMA 7, kasama ang dalawang mahuhusay na teenstars na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara, sa direksiyon ni Mark Reyes.

-Nora V. Calderon