HINDI man matugunan ang pagkauhaw ng University of the Philippines sa basketball title, may dahilan ang Katipunan-based athletes na magdiwang para sa isang kasaysayan.

UP MAROONS, pinawi ang 36 na taong pagkauhaw saUAAP men’s athletics championship.

UP MAROONS, pinawi ang 36 na taong pagkauhaw saUAAP men’s athletics championship.

Nakopo ng UP men’s athletics ang overall championship sa UAAP Season 81 nitong Linggo sa Philsports Arena para pawiin ang 36 taong pagkauhaw sa titulo.

Naghahabol lamang ng 39 puntos tungo sa krusyal na sandali ng limang araw na kompetisyon, winalis ng Fighting Maroons ang 400-meter hurdles, ang 800-meter run, at nasungkit ang ginto sa 4x100-meter relay at discus throw upang agawin ang liderato tungo sa dominanteng panalo.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Tangan ang kabuuang 426 puntos, tinapos ng UP ang dominasyon ng Far Eastern University sa nakalipas na walong taong. Tumapos ang Morayta-based squad na may 262 puntos, kasunod ang University of the East na

Nakamit ng Maroons ang ika-19 kampeonato sa athletics at kauna-unahang mula noong 1981-82 season.

Sa ika-apat na taon, napagtagumpayan ni coach Rio dela Cruz ang kampanya ng UP.

“Well, bago ako pumasok, yung pagpili ng head coach, eh isa ito sa ibinigay kong goal sa kanila na after siguro three to four years, yung ina-achieve namin, gusto namin maging champion,” sambit ni dela Cruz.

“We are very happy na

natupad namin. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam. Talagang iba itong achievement na ito.”

Nakopo naman ng University of Santo Tomas ang women’s division title sa ikalimang sunod na taon tangan ang 338 puntis kontra sa FEU na naungusan lamang nila ng 11 puntos. Kasunod ang UP na may 203 puntos.

Nakamit ni University of the East’s young long distance specialist James Darrel Orduna ang gintong medalya sa 10,000-meter run, 3,000-meter steeplechase at 5,000-meter run at bronze sa 1,500-run para tanghaling men’s rookie-MVP.

Nakamit naman ni UST’s Louielyn Palmatian ang women’s MVP honor sa ikatlong sunod na taon matapos manalo sa 800-meter at 400-meter run at sa 4×400-meter relay, habang nakasilvre siya sa 200-meter and 5,000-meter runs.

Sa juniors division, nakumpleto ng UE ang championship double.

Nagsalansan ang UE ng kabuuang 383 puntos para makamit ang six-peat, habang bumuntot ang UST at Adamson University. Tinanghal na boys MVP si Edgar Carrado ng Baby Falcons taglay anbg apat nag into at isang silver.

Hawak ang kabuuang 465 puntos, tinalo ng UE ang National University at UST para sa ikaapat na sunod na panalo sa girls title sa ikaapat an sunod na season. Si Abegail Manzano ng Bullpups ang girls MVP tangan ang apat nag into at isang bronze.