NI-RETWEET ni Robin Padilla ang post ng anak na si Kylie Padilla tungkol sa prenup pictorial nito at ni Aljur Abrenica.

Kylie at Aljur

“Thank you so much to this team we had our official prenup pictorial & video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!! Thanks guys...” post ni Kylie.

May dagdag na post si Robin sa nasabing post ni Kylie: “Alhamdulillah Praise God, napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito @kylienicolepadilla. Nasa iyo, anak ko, ang malalim kong paggalang at paghanga. Saludo ako sa pag-ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo. Masyado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay. Maraming salamat sa iyo o aming Nag iisang Dios na lumikha AMEEN!”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Kahit wala pang sinabing petsa ng kasal nina Aljur at Kylie, panay-panay na ang pagko-congratulate at pagpapadala ng best wishes messages sa mga ikakasal. Lahat ay masaya para sa kanila, at masaya rin para kay Robin, dahil ang pinapangarap nitong kasal para sa anak ay malapit nang matupad.

-NITZ MIRALLES