HINDI na yata natutulog si Jameson Blake, dahil araw-araw ang tapings niya ng seryeng Ngayon at Kailanman, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto bilang ka-love triangle ng JoshLia.

Jameson-copy-600x535 copy

Tinanong namin kung siya na ang bagong ka-loveteam ni Julia.

“Sa teleserye lang po, sa Ngayon at Kailanman,” kaswal na sabi ng binata.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero kung walang Joshua si Julia, may plano ba siyang ligawan ang dalaga?

“Ah, wala naman po. Friends lang,” mabilis na sagot ng aktor.

Anyway, bukod sa NaK ay nasa It’s Showtime rin si Jameson bilang miyembro ng Hashtags.

“ K a p a g m a y l i b r e n g o r a s p o , ” s a b i n i y a . Tatlong taon pa lang sa showbiz si Jameson simula nu’ng lumabas siya sa Pinoy Big Brother (2015), pero nakasiyam na pelikula na siya at tatlong teleserye, at maraming TV guestings.

Breadwinner si Jameson, at hindi lang para sa pamilya niya, kundi nakakatulong din siya sa ilan pa niyang kamag-anak.

Kaya ba wala siyang girlfriend dahil priority niya ang career? “Yes. Concentrate muna sa career,” sabi ni Jameson.

Tinanong namin kung nakabili na siya ng bahay, tulad ng pangako niya sa mommy niya nu’ng mag-guest siya sa Magandang Buhay early this year.

“Malapit na, may mga inaayos lang,” napangiti niyang sagot.

As of now ay wala pang alam na kasunod na serye si Jameson kapag natapos na ang Ngayon at Kailanman sa Enero.

“Good thing may movie, dito naman,” sabi niya, tinukoy ang Project G, na makakasama niya sina Khalil Ramos, Mark Oblea, Paolo Angeles, at Nick Parker.

Nakita namin kung paano mag-work si Jameson alang-alang sa pamilya niya; wala siyang tinatanggihang project basta hindi sagasa sa schedules niya.

Sa katunayan ay sobrang tipid niya. Nag-tricycle nga lang siya nang dumalo siya sa storycon ng Project G, dahil malapit lang naman daw ang condo na tinitirhan niya at ang venue ng event.

-REGGEE BONOAN