Karagdagang P13.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa umano’y Korean chemist, na una nang naaresto sa buy-bust operation sa San Juan City at nakumpiskahan ng P2.2 bilyong sangkap sa paggawa ng ilegal na droga, nang salakayin ang condominium unit nito sa nasabi ring lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni San Juan City Police chief, Police Senior Supt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Bernabe Balba, sinalakay nila, katuwang ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Northern Police District (NPD), ang condominium unit ni Kim Jong Hee sa Connecticut Street sa Greenhills, San Juan City, dakong 10:30 ng gabi.

Armado ang mga pulis ng search warrant, na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152 Executive Judge Danilo Reyes, sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa pagpasok ng mga pulis sa unit, bumungad sa kanila ang dalawang kilong hinihinalang shabu, na nasa P13.6 milyon ang halaga; ‘di pa batid na dami ng ‘uncontrolled precursors’ at mga kemikal; ilang shabu paraphernalia, mga timbangan, at P450,000 cash.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Kakasuhan si Kim ng paglabag sa Section 8, Section 10, Section 11 at Section 12 ng RA 9165.

-MARY ANN SANTIAGO