May 28, 2026

Home BALITA National

'Our powers emanate from the public!' Sen. Erwin Tulfo, nahihiya raw sa mga Pilipino

'Our powers emanate from the public!' Sen. Erwin Tulfo, nahihiya raw sa mga Pilipino
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanindigan si Sen. Erwin Tulfo na sa publiko raw nagmumula ang kanilang kapangyarihan bilang mga senador at tila nahihiya raw siya kung papayagan nilang makaboto at makadalo sa sesyon ang ilan sa kanilang mga kasamahan sa pamamagitan ng teleconference o electronic platform. 

Matatandaang nag-walk out sa plenaryo ng Senado ang mga miyembro ng minority bloc noong Miyerkules, Mayo 26, 2026, dahil sa naging mainit na tensyon nila sa majority bloc kaugnay sa tila minamadali umanong pag-amyenda sa Senate Rules. 

Kaugnay ito sa inapelang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta sa Senado noong Mayo 11 na payagang makaboto at makadalo sa kanilang sesyon ang mga senador sa pamamagitan ng videoconference o paggamit sa electronic platforms. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!

Ayon naman sa naging panayam ng isang TV station kay Tulfo noong Miyerkules, Mayo 27, sinabing nakakahiya daw na payagan ang naturang panukala ni Marcoleta dahil galing daw sa buwis ng publiko ang suweldong kanilang natatanggap. 

National

Tropical storm Jangmi, patuloy na lumalakas; posibleng pumasok sa PAR mamayang gabi o sa Biyernes!

“I described it only… nakakahiya. I mean our salary is ₱300,000 plus allowances, etc. These are the money of the people, these are coming from the taxes,” pagsisimula niya. 

Aniya pa, “Yet we’re privileged like nakakahiya na you don’t go to work but you pay us—you, the tax payers pay us—they have to grind.” 

Diin ni Tulfo, kailangan daw pumasok ng mga normal na Pilipino sa trabaho araw-araw kahit anomang sakuna ang dumating habang papayag na lang mga senador na huwag dumalo sa kanilang sesyon. 

“They have to go to work every single day… storms, typhoons, floods, they must report for work. Otherwise they won’t get paid,” aniya. 

Giit niya, “While us, is it because we’re senators, we don’t need to attend the session and go to work? Papaano po ‘yong our bosses?” 

Ani Tulfo, ang publiko raw ang amo ng mga kagaya niyang senador at kailangan daw nilang irespeto ang hirap na dinaranas ng mga ito araw-araw upang makapagbayad ng buwis ng kanilang sinusuweldo.

“The people are our bosses. The masa, the sweeper, the janitor, the guards, everybody are our boss because they elected us. Our powers emanate from the public. So we have to respect that,” ‘ika niya. 

“Kung ‘yong amo namin nagtatrabaho, papaano naman kaming mga utusan na nakaupo lang, pasarap-sarap, mag-i-internet lang, magte-teleconferencing. Samantalang ‘yong amo namin, kailangang magtiis sa traffic, pumunta sa factory na mainit, magtatrabaho ‘yong construction worker [kahit] napaka-init ngayon, nagpupukpok doon,” paliwanag pa niya. 

Pagpapatuloy ni Tulfo, hindi naman daw puwedeng komportable sila sa kanilang mga tahanan habang dumadalo sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng videoconference samantalang binabayaran ng mga naghihirap na Pilipino ang kanilang suweldo. 

“These are the people paying our salaries. And yet for us, in the comforts of our home, airconditioned, we don’t need to go to the Senate for session kasi puwede ang teleconferencing, video conferencing, why?” kuwestiyon niya. 

“Kaya nga we object to it. Nakakahiya,” pagtatapos ni Tulfo. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Di dapat kinukunsinti!' Sen. Kiko, binuweltang 'lawbreaker' si Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa kontra sa videoconferencing push ng mayorya, 'wag daw ikumpara kay De Lima