MAY kumalat na balitang may pasabog ngayong December ang Pambansang Bae na si Alden Richards, kaya maraming nagtatanong kung ano raw iyon. Ang alam lang namin ay balik-trabaho na si Alden, pagkatapos niyang mamahinga nang isang linggo since the grand finale ng fantaserye niyang Victor Magtanggol.

Happy ang mga fans ng Eat Bulaga lalo na ang mga nanonood sa Broadway Studio dahil nakikita na nila araw-araw si Alden, kung minsan, nasa “Boom” segment siya as Boom Pawis na nagbibigay ng premyo sa mga contestants. Palitan sila kung minsan ni Maine Mendoza bilang si Boomkaday. Minsan naman, siya ang nasa sugod bahay ng barangay sa “Juan For All All For Juan” segment.

Pero last Monday, absent na ulit si Alden sa EB. Iyon pala, nagsimula na siyang mag-taping as special guest ni Ms. Gloria Romero sa Daig Kayo Ng Lola Ko (DKNLK), for the Christmas presentation ng fantaserye na laging umaani ng mataas na rating every Sunday sa GMA 7.

Yes, six weeks na gaganap si Alden bilang si Pinoy Santa!

Carlos Yulo, nag-react sa paggaya sa kaniya ni Eumir Marcial na mag-crop top

Sa Taal, Batangas ang location ng taping under Rico Gutierrez, sa harap ng Taal Basilica, o ang Minor Basilica of Saint Martin of Tours, ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at Asia. Historic ang lugar at tamang-tama para sa story ni “Nonoy, Ang Santang Pinoy.”

Malalaman natin kung ano ang ginagawa ni Nonoy para tawagin siyang Santang Pinoy. Magiging special guest ni Alden sa first episode si Yuan Francisco, ang child actor na gumanap na pamangkin niyang si Meloy sa Victor Magtanggol.

May natanggap kaming picture ni Alden sa eksena na sakay siya ng isang kalesa at siya ang kutsero. So, kung isang sleigh ang sasakyan ni Santa Claus, isang kalesa naman ang gamit ni Nonoy bilang si Santang Pinoy.

Mapapanood na si Alden sa Daig Kayo Ng Lola Ko simula bukas, December 2, pagkatapos ng Amazing Earth hosted by Dingdong Dantes.

-NORA V. CALDERON