SINA Richard Gutierrez at JM de Guzman ang makakasama ni Jennylyn Mercado sa bagong pelikula niya sa Star Cinema na Heart of Mine. Isa ang pelikula sa ini-present sa Christmas trade event ng ABS-CBN dahil produced ito ng movie arm ng network, ang Star Cinema.

Jennylyn copy

Hindi pa naglalabas ng ibang detalye tungkol sa pelikula, gaya ng kung sino ang direktor at ang iba pang kasama sa cast. Nakalagay lang sa hashtag ay #2019 na ibig sabihin, sa 2019 ang showing ng pelikula.

Tama ba kaming second movie na ni Jennylyn sa Star Cinema ang Heart of Mine dahil una niyang ginawa ang Just the 3 of Us katambal si John Lloyd Cruz?

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Second movie na nina Richard at Jennylyn ang Heart of Mine dahil nagkasama na sila sa pelikulang Let the Love Begin ng GMA Films at Regal Films. But that time, sina Richard at Angel Locsin ang mga bida at second lead sina Jennylyn at Mark Herras.

First time naman ni Jennylyn to work with JM at excited na ang fans ng kani-kanyang kampo na sila’y mapanood.

May ilang na-disappoint dahil si Piolo Pascual sana ang gusto nilang makatambal ni Jennylyn, pero may magagawa ba sila sa desisyon ng ABS-CBN?

-NITZ MIRALLES