IPINAKILALA na kamakailan sa entertainment media at bloggers ang JAMS Top Model 2018 winners, ng JAMS Artist Production nina Maricar Moina at Jojo Flores.Lahat ng nanalo ay pangarap na mapasok ang showbiz, kaya naman sobrang nagpapasalamat sila dahil bukod sa may premyo sila ay may mga workshops silang ginagawa para mailabas ang kanilang mga talento sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte.

Batay na rin sa hashtag nilang “transforming beauty with modesty”, ipinaliwanag ni Maricar na sasanayin nila ang winners sa modelling at lilibutin nila ang buong ‘Pinas para ipakita ang pagiging mabuti nilang ehemplo.

Ang mga nanalo ay magiging ambassador ng mga business partner ng JAMS Top, tulad ng Grovic Pharma Inc., Idara Wellness Lounge and Travellers Deal Inc., at iba pa.

“Ipakikita namin na kaya kami nag-screening para mas ma-upgrade. Binigyan namin sila ng chance na maging top model hindi lang sa paglalakad, overall pa. Gusto rin naming mabigyan sila ng chance na magkaroon sila ng iba’t ibang projects thru endorsement,” sabi ni Maricar.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo

Nanalo sa JAMS Top Model 2018 nitong Nobyembre 19 sa Grand Gala Night sa MOA Arena sina Mien Kloppers (category 1 o edad 6-9, grand winner), Miguel Enrico Gochuico (category 2, 10-15 years old, grand winner); at Maharlika Aquino Santos (category 3, 16-25 years old, grand winner).

Sa category 1, waging 1st runner up si Renzie Liboon at 2nd runner up si Liann Xndrah N. Gappi. Sa category 2, 1st runner up si Ancient Tabora at 2nd runner up si Alecsa Julie Cang; habang sa category 3, 1st runner up si Sheina Fitzsimmons at 2nd runner up si Louise Cruz.

-Reggee Bonoan