ILANG buwan na ring natapos ang top-rating A f t e r n o o n Prime drama s e r i e s n a Ika-6 Na Utos n i G a b b y Concepcion, at early next year na siya uli mapapanood sa isa na namang teleserye sa GMA Network, dahil kaka-renew niya lang ng panibagong exclusive contract bilang Kapuso.

Gabby copy

Hindi naman nawawalan ng TV guestings si Gabby, kaya happy pa rin ang fans niya kahit wala pa siyang regular show. At hindi rin siya nami-miss ng mga tagusporta niya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, dahil tuluy-tuloy ang pagtanggap niya ng raket for shows, hosting sa mga show at beauty pageant. Ilang buwan din siyang nag-show sa Casino Filipino, sa iba’t ibang lugar sa bansa at mabenta talaga sa mga shows here and abroad. Kaya kapag wala siyang raket sa Pilipinas, siguradong nasa abroad siya.

Gaya ng katatapos lamang niyang show na tumagal ng dalawa linggo sa Melbourne, Australia.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Exciting iyon para sa kanya dahil first time niya roon. Kuwento niya, kapag wala siyang show ay nililibot niya ang iba’t ibang points of interests doon, gaya ng Melbourne Zoo.

Siyempre hindi niya nalimutan ang pagtikim ng mga pagkain doon gaya ng lamb chops. Ilang araw din niyang nilibot ang Canada para sa iba’t ibang shows doon.

Sa bansa naman, puro TV guestings ang ganap niya, gaya ng pag-guest niya sa Christmas presentation ng Pepito Manaloto.

Samantala, aalis uli sa December si Gabby dahil may show siya sa Memphis, USA, ang Pasko Sa Memphis ... Isang Gabby ng Musika at Kasayahan na gaganapin sa December 8, 2018, ganap na 5:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi, sa UC Ballroom, University of Memphis.

Noong Oktubre, nagkaroon na ng story conference ang next teleserye niya, na tinawag niyang Rome-antic Comedy (RomCom) kasama ang bago niyang leading lady, si Jennylyn Mercado. Excited na raw siya unang beses pa niya lang magkakatrabaho ng Ultimate Actress ng GMA Network, at isa pang romantic comedy.

-NORA V. CALDERON