BAHAGI na ng sports calendar sa 2019 hosting ng Southeast Asian Games ang sumisikat at kompetitibong eSports.

GROUPIE! Pinangunahan ni PhilSGOC president Alan Peter Cayetano ang souvenir shots kasama ang kapwa sports officials at isinagawang media launch kahapon sa Mariott Hotel.

GROUPIE! Pinangunahan ni PhilSGOC president Alan Peter Cayetano ang souvenir shots kasama ang kapwa sports officials at isinagawang media launch kahapon sa Mariott Hotel.

Pormal na inilunsad ang video gaming bilang regular sports sa biennial meet sa isinagawang media launching kahapon, sa pangunguna ni Philippines South East Asian Games Organizing Committee (PhilSGOC) Chairman Emeritus Alan Peter Cayetano.

“We are very thrilled, excited, and honored to have esports in the SEA Games with Razer as a partner,” pahayag ni Cayetano sa media conference kahapon sa Marriot Hotel. “Gamers are an important part of our community.”

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nakipagtambalan ang PhilSGOC at Philippine Olympic Committee (POC) sa gaming hardware company Razer upang masiguro ang mataas na antas ng kompetisyon sa kauna-unahang eSports event sa SEA Games.

“This will bring aspiring esports athletes in Southeast Asia to the global stage,” pahayag ni Limeng Lee, Chief Strategy Officer ng Razer.

Ang eSports sa SEA Games ay pangangasiwaan ng Asian Electronic Sports Federation.

Nakataya ang anim na gintong medalya sa eSports na paglalaban ang tatlong gaming platforms – dalawa sa console, dalawa sa PC at dalawa sa mobile.

Sa kasalukuyan, tanging ang Mobile Legends: Bang Bang – isang multiplayer online battle arena game – ang kompirmadong lalarui. May hanggang Disyemre 15 ang organizers para maisaayos ang lahat ng event.

Kabilang na rin ang eSports sa nakalipas na 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia, ngunit bilang isang demo sport.

-Annie Abad