NAKAHIGA sa folding bed niya at naghihintay ng eksena sa Pamilya Roces si André Paras nang tanungin namin kung puwede siyang ma-interview. Agad din namang tumayo si André at game na agad sa interview.

Andre copy

Ginagampanan ni André ang role ni Gareth Austria sa Pamilya Roces, ampon ni Snooky Serna at fake boyfriend ni Pearl (Jasmine Curtis-Smith). Enjoy si André sa role niya dahil ibang-iba ito sa ginagawa niya sa Sunday PinaSaya, kung saan nagko-comedy siya.

“I like the story of Pamilya Roces, it’s about family and you know me, maka-family ako. In fact, I still live with my parents (Benjie Paras and his stepmom). I still want to see my family everyday, kaya ayaw kong umalis sa bahay,” kuwento ni André.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“I have a condo unit, outside the village where we live, it’s like two minutes away from our house. Gusto kong ipa-rent,” sabi ni André.

Magkaiba si André at ang brother niyang si Kobé Paras. Nagsosolo na sa sariling condo si Kobe. Pero kahit hindi na magkasama ng bahay, close pa rin sina André at Kobe and they got to hang out ‘pag pareho silang walang trabaho.

Anyway, advantage rin kay André na wala siyang permanent love team, dahil he’s free to work with any actress na nakikita ng GMA-7 at ng Viva Films na babagay sa kanya. Sa Pamilya Roces, si Jasmine ang love interest ni André, at hinahangaan niya ang aktres dahil mahusay ito, at professional.

-Nitz Miralles