HINDI natuloy noong November 18, ang civil wedding nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla at wala pa silang bagong wedding date na inaanunsiyo. Pero may ipinost si Kylie na picture nila ni Aljur na parang prenup photo dahil sa caption nito na, “I can’t wait...@ajabrenica.”

Binanggit ni Kylie ang make-up artist, hairstylist, stylist at photographer nila ni Aljur na lalong dahilan para maniwala ang mga nakabasa na malapit na ang kanilang kasal. Hindi nga lang sinagot ni Kylie ang mga tanong ng followers niya kung prenup photos nga ba ang mga ito at kung kailan ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.

-Nitz Miralles
Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'